Recognition of Excellent Foreign Construction Worker 2018
Eksena mula sa Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Manggagawa sa Konstruksiyon 2018
Eksena mula sa Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Manggagawa sa Konstruksiyon 2018
Ang seremonya na parangal para sa “Pinakamahusay na Dayuhang Manggagawa sa Kostruksiyon 2018” (Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau Director's Award) ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ay ginanap noong Marso 4, 2019, araw ng Lunes sa Kasumigaseki Knowledge Square.
Sa seremonya, ibinigay ni Mr. Eijiro Suzuki, Direktor ng Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ang Sertipiko ng Parangal sa anim na nagwagi.
【Listahan ng mga tumanggap ng Award】
Name | Nationality | Job Category | Accepting Construction Company (Main Office Location) |
---|---|---|---|
Mr. Amiten Martin Abol | Philippines | Machine Operation | IWATE MITAC Co.,Ltd (Iwate Prefecture) |
Mr. Wang Fenghe | Chinese | Chinese | Able Construction Co.,Ltd (Kyoto Prefecture) |
Mr. Nguyen Van Linh | Vietnam | Interior Finishing | KI-REAL ESTATE CO.,LTD (Saitama Prefecture) |
Mr. Weng Fei | Chinese | Concrete Pumping | Concrete pump Co., Ltd. (Gifu Prefecture) |
Mr. Wu Xiaojing | Chinese | Plastering | HIKOSAKA Co.,Ltd (Aichi Prefecture) |
Mr. Giap Duc Thach | Vietnam | Plumbing | MOCHIZUKI Industries Co.,Ltd (Shizuoka Prefecture) |
(Sa pagsunod-sunod ng pangalan ng kompanya sa alibata ng Hapon)
{Talumpating inihayag ng mga tumanggap ng parangal}
Mr. Amiten Martin Abol
Bilang isang mangagawa sa konstruksiyon, ginagawa ko ang aking makakaya araw-araw, at aupang matiyak ang kaligtasan ng lahat, nagsusumikap akong maunawaan ang wika, pamumuhay at kultura ng Hapon. Para sa akin, ang tunay na pamamaraan at kasayanan ay ang pag-akma sa bagong kapaligiran ng Japan at upang makatulong na gawin itong mas mahusay na lugar. Patuloy akong mag-aaral ng wikang Hapon nang sa gayon ay mabawasan kahit kaunti ang agwat ng komunikasyon. Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa pamamaraan at kasanayan na aking natutunan bilang miyembro ng kompanya.
Mr. Wang Fenghe
Labis akong nagpapasalamat dahil sa paghihiyakat at patnubay ng maraming tao, ako ay nagawaran. Bilang manggagawa sa konstruksiyon, ay lubusin ang aking pagbabalik sa Japan at pagbutihin ang teknik ng pinakamahirap na level ng welding na nangangailangan ng mataas na kalidad. Ang aking natutunan sa Japan ay hindi lamang ang kasanayan sa welding, kundi pati na rin ang pagiging magalang, disiplina at kabaitan. Isasaalang-alang ko ang award na ito bilang isang bagong simula at magsusumikap araw-araw na may mataas na hangarin sa lahat ng aspeto.
Mr. Nguyen Van Linh
Ang nilalaman ng trabaho ay napakahirap at kahit mahirap ang hadlang sa wika, mababait ang mga Hapon sa kompanya, tinuturuan ako sa trabaho at pagsasalita ng paunti-unti, kaya naman ako ay naging marunong ng paunti-unti. Ang mga tauhan sa kompanya ay laging nasa likod namin at nagbibigay ng suporta sa aming mga dayuhang manggagawa araw-araw, kaya naman habang ako ay nagsisikap sa trabaho araw-araw, nais kong mag-aral pa ng husto ng wikang Hapon.
Mr. Weng Fei
Masaya ang aking anim na taong pagtatrabaho ng Concrete Pumping sa Japan. Kahit na may mga oras na ako ay nahihirapan sa wikang Hapon at naguguluhan sa pagkakaiba sa pamamaraan ng konstruksiyon sa lugar ng trabaho, naipasa ko ang Level 2 ng skill test noong 2018, ngayon bilang lider ng grupo, napapangasiwaan ko na ang lugar ng trabaho at nakakapagturo na rin ako sa mga bagong kasamahan. Nais ko pang magpatuloy ng pagtatrabaho sa Japan.
Mr. Wu Xiaojing
Nagpapasalamat ako sa aking boss at sa lahat ng tauhan sa kompanya. Itinuring nila ako na isa sa pamilya sa anim na taon kaya masaya ang paggugol ko sa araw-araw. Kaya naman, nagustuhan ko ang Japan, ang Japan ay naging aking pangalawang bansa. Lagi kong isasaisip na huwag kalimutan ang aking baguhang diwa at patuloy na magsisikap sa aking makakaya.. Sa susunod, nais kong isama ang aking pamilya para mamasyal dito sa Japan.
Mr. Giap Duc Thach
Ako ay nagpunta at nag-aral sa eskuwelahan ng pagmamaneho ng sasakyan ng dalawang lingo para kumuha ng lisensya at ako ay nakapasa. Tuwang-tuwa ako. Ang test ay mahirap dahil ito ay nakasulat lahat sa Hapon. Ngayon na ako ay nakapagmamaneho, bilang miyembro ng kompanya, ako ay nakakapagserbisyo ng lubos at higit sa lahat ako ay lugod nasisiyahan dahil ako ay inaasahan ng lahat sa kompanya. Sa nakaraang anim na taon, may mga bagay na napakahirap, nakakabalisa, nakakasaya, at marami pang iba, ngunit ako ay lugod na nasisiyahan na ako ay napunta ng Japan.
Librito ng Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Dayuhang Manggagawa