Personal Information Protection Policy
Patakaran sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon
Isinabatas noong Pebrero 2015
Nirebisa noong Hulyo 2017
Ang Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi ng Kasanayan at Kaalaman sa Konstruksiyon (lahatang tinutukoy bilang “aming organisasyon”) ay kumikilala sa importansya ng pagprotekta sa personal na impormasyon, at kami ay magsusumikap na protektahan ito sa pamamagitan ng lubusang pagpapaalam sa mga opisyal at empleyado ng aming organisasyon na igalang at sundin ang Patakaran sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon at iba pang kaugnay na mga batas at ministeryal na alituntunin batay sa mga sumusunod na patakaran.
- Koleksyon ng personal na impormasyon
- Ang pagkolekta ng personal na impormasyon ay gagawin sa legal at patas na pamamaraan.
- Layunin ng paggamit ng personal na impormasyon
Ang personal na impormasyon na nakolekta ng aming organisasyon ay gagamitin lang para sa mga sumusunod na layunin at hindi gagamitin maliban sa nararapat na layunin ng paggamit nito.- Upang magtipon at magbigay ng impormasyon at suporta sa tamang pagpapadala at pagtanggap ng mga dalubhasang dayuhang manggagawa (dayuhang nagsasanay ng tekniko, dayuhang manggagawa sa kostruksiyon at iba pa na nagsasanay at nagkakamit ng kasiningan, kasanayan at kaalaman ng Japan).
- Upang magbigay ng gabay at payo tungkol sa naaangkop na pagtataguyod ng programang pagtanggap sa mga dalubhasang dayuhang manggagawa.
- Upang magbigay ng suporta para sa madaling pakakamit ng kasiningan, kasanayan at kaalaman ng mga dalubhasang dayuhang manggagawa.
- Upang magbigay ng konsultasyon at payo sa katutubong wika tungkol sa trabaho, kaligtasan at kalusugan, kaayusan, at iba pa ng mga dalubhasang dayuhang manggagawa.
- Upang magdaos ng mga workshops at seminar tungkol sa pagtanggap at paglilinang ng mga dalubhasang dayuhang manggagawa.
- Para sa publikasyon at pagliliwanag sa pagtanggap at paglilinang ng mga dalubhasang dayuhang manggagawa.
- Para sa pagtatasa ng mga kasanayan at pagsasanay sa ibang bansa ng mga dalubhasang manggagawa.
- Para sa iba pang mga kinakailangang proyekto upang makamit ang mga layunin ng aming organisasyon.
- Pagkakaloob ng personal na impormasyon sa ikatlong partido
Ang aming organisasyon ay hindi magbibigay ng personal na impormasyon sa ikatlong partido ng walang paunang pahintulot maliban sa sumusunod na kaso. Higit pa rito, magbibigay kami ng kinakailangan at naaangkop na gabay at pangangasiwa sa mga outsourcing parties, kliyente, at iba pa, kung makipagkakasundo sa pagkakaloob ng paghawak ng personal na impormasyon.- Kung batay sa mga batas at regulasyon.
- Kung kinakailangan para sa proteksyon ng buhay ng tao, kalusugan o ari-arian, at ang pahintulot ay mahirap makuha mula sa mismong tao.
- Kung kinakailangan makipagtulungan sa ahensiya ng pamahalaan o lokal na awtoridad o mga partidong pinagkatiwalaan na sumagawa sa operasyon inatas ng batas at regulasyon, at kung ang pagkuha ng pahintulot sa mismong tao ay makakahadlang sa pagpapatupad ng naturang operasyon.
- Pamamahala ng mga personal na impormasyon
- Ang mga naimbak na personal na impormasyon ay maayos na pamamahalaan ng aming organisasyon at kami ay magsasagawa ng kinakailangang hakbang upang maiwasan ang paglabas, hindi awtorisadong pag-access, pagnanakaw, pagkawala, pagkasira, pakikialam at iba pa at magsagawa ng pagwawastong hakbang.
- Upang makatugon sa naaangkop na panlipunan at pang-ekonomiyang pagbabago, ang aming organisasyon ay patuloy na magsusuri at magsusumikap na mapabuti ang aming patakaran at sistema upang protektahan ang personal na impormasyon na hawak ng aming organisasyon.
- Paghahayag sa personal na impormasyon
- Ang aming organisasyon ay tutugon ng naaangkop sa mga kahilingan para sa paghahayag, pagwawasto, pagtatanggal at iba pa ng personal na impormasyon nang taong may kahilingan.
- Ang aming organisasyon ay naglagay ng pagtatanungan tungkol sa personal na impormasyon upang sumagot ng naaayon sa mga reklamo at ano pa mang katanungan.
Nilathala noong July 2017
Tokyo, Chiyoda-ku, Kajicho 1-4-3 Takeuchi Building 6F
Buong Opisyal at kawani
Saligang Pangkalahatang Inkorporada
Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi ng Kasanayan at Kaalaman sa Konstruksiyon
【Pagtatanungan】
TEL: 03-6206-8877
FAX: 03-6206-8889
E-mail: privacy@fits.or.jp
Pagtatanungan: General Affairs and Planning Division