Recognition of Excellent Foreign Construction Worker 2017
Eksena mula sa Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Manggagawa sa Konstruksiyon 2017
Eksena mula sa Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Manggagawa sa Konstruksiyon 2017
Ang seremonya na parangal para sa “2017 Recognition of Excellent Foreign Construction Worker” (Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau Director's Award) ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ay ginanap noong Marso 19, 2018, araw ng Lunes sa Kasumigaseki Knowledge Square.
Sa seremonya, ibinigay ni Mr. Eijiro Suzuki, Direktor ng Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ang Sertipiko ng Parangal sa limang nagwagi.
【Listahan ng mga tumanggap ng Award】
Name | Nationality | Job Category | Accepting Construction Company (Designated Supervising Organization) |
---|---|---|---|
Mr. Yang Lian Chong | Chinese | Scaffolding | KAMEDA GUMI CO.,LTD. (Kyoryo Gino Shinko Cooperative) |
Mr. Aujero John Rey Soliguen | Philippines | Concerete Forming | ADVANCED TECHNOLOGY KOWA (Kanto Tech Cooperative) |
Mr. Wang Jia Xing | Chinese | Panel Beating | SHIMIZU BANKIN (Tomishin International Business Cooperative) |
Mr. Nguyen Tan Quynh | Vietnam | Concrete Forming | MUKAI CORPORATION (Fund for Construction Industry Promotion) |
Mr. Hoang Dinh Hoang | Vietnam | Concrete Pump | YAMACON CO.,LTD. (World Peace Cooper |
(Walang partikular na pagkakasunod-sunod/Sa pinaikling panggalang)
{Talumpating inihayag ng mga tumanggap ng parangal}
Mr. Yang Lian Chong
Ako ay napahanga sa teknolohiya ng konstruksiyon at masulong na teknolohiya ng Japan na bagong pakiramdam na nakapukaw sa akin. Sa Japan, natutunan ko ang diwa ng teamwork, nais ko na magamit ang aking kaalaman sa masulong na teknolohiya, kaisipan sa trabaho, kaligtasan ng kalidad at iba pa na natutunan ko sa kompanya, at nais kong gamitin ang aking makakaya hindi lamang sa Japan at China, pati na rin sa ibang parte ng mundo.
Mr. Aujero John Rey Soliguen
Ako ay natutuwa na nakatayo dito ngayon para parangalan sa pagsisikap na aking nagawa. Sa Japan, ako ay nakapagbigay-siya sa tao hindi lamang sa trabaho kundi pati na rin sa pamamagitan ng aking hand bell na aktibidad. Ang aking layuin noong nakaraang apat na taon ay kumita ng pera, ngunit ngayon, ang layunin ko ay ipabatid sa lahat ang aking nagawa at maging isang tao na makatutulong sa iba.
Mr. Wang Jia Xing
Maraming salamat sa pagbibigay ng napakagandang parangal sa akin sa araw na ito. Napunta ako dito sa Japan at nakapagtrabaho ng limang taon kasama ang aking boss na si Mr. Shimizu. Marami akong pinaghirapan ngunit napakabuti na ako ay nakapagtrabaho.
Mr. Nguyen Tan Quynh
Para sa aming mga dayuhang na nakarating sa Japan sa unang pagkakataon, ang pagpasok sa lugar ng trabaho at magtrabaho sa ibang lenguwahe ay isang malaking hamon. Gayunpaman, hindi ako sumuko na mag-aral ng salitang Hapon. Ganoon pa rin ang gagawin ko na ipagpatuloy ng husto ang pagsisikap, balang-araw, pagsama-samahin namin ang aming kakayahan upang matulungan ang pagpapa-unlad ng ekonomiya ng Vietnam.
Mr. Hoang Đinh Hoang
Ako ay may tatlong pinagpapahalagahan sa buhay at trabaho. Una, ang maging ka-level ng Foreman. Hindi lamang sa kasanayan kundi pati na rin sa salitang Hapon. Pangalawa, maging isang mabuting lider ng mga intern trainees na kasamahan ko sa trabaho. Pangatlo, ang pag-aralan ang kultura ng Hapon at maituro din ang kultura ng Vietnam. Kapag ako ay umuwi ng Vietnam, ang pinakanais kong ituro sa mga tao sa Vietnam ay ang pagtatrabaho ng Hapon at ang kanilang kaisipan.
Librito ng Seremonya ng Parangal sa Napakahusay ng Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon 2017