Specified Skilled Worker

Manggagawang may Tiyak na Kasanayan

Ang FITS bilang “Ahensiya na Nangangasiwa sa Wastong Pagtatrabaho” ng SSWs sa konstruksiyon ay patuloy na kumikilos katulad ng pagbisita sa mga kompanya, kasabay ng pagtugon sa mga konsultasyon galing sa dayuhang SSWs sa Hotline Konsultasyon sa sariling wika, kami ay nagsasagawa rin ng seminar sa SSWs matapos silang matanggap.

Sa pamamagitan nito, kami ay makatulong sa lahat ng dayuhang SSWs at mga tumatanggap na kompanya,

  • upang lalong lumalim ang samahang may pagtitiwala sa isa’t-isa, batay sa kontrata sa pagtatrabaho.
  • upang makapagtakda ng layunin kaugnay sa propesyon sa hinaharap, at gumawa ng aksyon na ito ay matupad.

Trabahong tinatanggap sa kasalukuyan sa larangan ng konstruksiyon

Ang dibisyon ng mga gawaing trabaho sa larangan ng konstruksiyon ay muling inayos sa "Civil Engineering", "Architecture", and "Lifeline/Facilities". (August 30, 2022)

  • [Civil Engineering] (Mga trabaho na may kinalaman sa bagong pagtatayo, muling pagtatayo, pagpapanatili at pagkukumpuni ng mga pasilidad ng civil engineering)
    • Maaaring makasulong sa SSW1, kung makakapasa ka sa Skill Evaluation Exam para sa SSW1 katulad ng (Civil Engineering) sa larangan ng konstruksiyon, o kung maayos ng nakatapos ng Technical Intern Training 2 sa mga kategorya ng trabaho na nakalista sa ibaba, exempted na sa eksaminasyon.Saklaw na kategorya ng trabaho: Well Drilling, Concrete Forming, Steel Reinforcement, Scaffolding, Concrete Pumping, Wellpoint Construction, Construction Machine Operation, Steelwork/Ironwork, Painting, Welding
    • Makakasulong sa SSW2 kung may karanasan sa pagiging leader, at kung makapasa sa Skill Certification Grade 1 o makapasa sa Evaluation Exam para sa SSW2 sa larangan ng konstruksiyon (Civil Engineering).

  • [Architecture] (Mga trabaho na may kinalaman sa bagong pagtatayo, pagdadagdag ng mga istraktura, muling pagtatayo, pagbabago at iba pa ng mga istraktura)
    • Maaaring makasulong sa SSW1, kung makakapasa ka sa Skill Evaluation Exam para sa SSW1 katulad ng (Architecture) sa larangan ng konstruksiyon, o kung maayos ng nakatapos ng Technical Intern Training 2 sa mga kategorya ng trabaho na nakalista sa ibaba, exempted na sa eksaminasyon.Saklaw na kategorya ng trabaho: Panel Beating, Fixture Making, Carpentry, Concrete Forming, Steel Reinforcement, Scaffolding, Masonry, Tiling, Roofing, Plastering, Interior Finishing, Paperhanging, Sash Installation, Waterproofing, Concrete Pumping, Furnace construction, Steelwork/Ironwork, Painting, Welding
    • Makakasulong sa SSW2 kung may karanasan sa pagiging leader, at kung makapasa sa Skill Certification Grade 1 o makapasa sa Evaluation Exam para sa SSW2 sa larangan ng konstruksiyon (Architecture).

  • [Lifelines/Facilities] (Mga trabaho na may kinalaman sa pagpapanatili, pagpapalit, pagkukumpuni at iba pa ng telekomunikasyon, gas, tubig, kuryente, at iba pang lifelines/facilities)
    • Maaaring makasulong sa SSW1, kung makakapasa ka sa Skill Evaluation Exam para sa SSW1 katulad ng (Lifelines/Facilities) sa larangan ng konstruksiyon, o kung maayos ng nakatapos ng Technical Intern Training 2 sa mga kategorya ng trabaho na nakalista sa ibaba, exempted na sa eksaminasyon.
      Saklaw na kategorya ng trabaho: Panel Beating, Refrigeration and AirConditioning Equipment Installation, Plumbing,Thermal Insulation, Welding
    • Makakasulong sa SSW2 kung may karanasan sa pagiging leader, at kung makapasa sa Skill Certification Grade 1 o makapasa sa Evaluation Exam para sa SSW2 sa larangan ng konstruksiyon (Lifeline/Facilities).

Proseso sa Pagtanggap

Maaaring i-check sa website ng bawat Ministro ang tungkol sa proseso sa pagtanggap sa dayuhang SSWs sa larangan ng konstruksiyon.

Website ng Ministro ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo

Website ng Ministro ng Hustisya

Tungkol sa pagiging miyembro ng Japan Association for Construction Human Resources (JAC)

Ang mga kompanyang tumatanggap ay kinakailangang magpa-miyembro sa (Japan Association for Construction Human Resources (JAC)) na organisasyong nagsasagawa ng operasyong pagtanggap sa dayuhang SSWs. Maaaring pumili na maging miyembro ng isang organisasyong nagpapatakbo ng konstruksiyon na opisyal na miyembro ng JAC o maging miyembro ng taga-suportang miyembro JAC. Para sa detalye, paki-check ang website ng Japan Association for Construction Human Resources (JAC).

https://jac-skill.or.jp/