About FITS

Tungkol sa FITS

*Foundation for International Transfer of Skills and Knowledge in Construction(pina-ikling pangalan:FITS)

Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi ng Kasanayan at Kaalaman sa Konstruksiyon

Ang Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi nang Kasanayan at Kaalaman sa Konstruksiyon (pina-ikling pangalan: FITS) ay itinatag bilang isang samahan na magsasagawa ng kinakailangang suporta upang maisatupad ng wasto ang pagtanggap, pagsasanay at iba pa ng mga yamang-tao mula sa bawat bansa na nais magkamit at magsanay ng teknolohiya, kasanayan at kaalaman sa konstruksiyon at iba pang larangan.

Kami ay inatasan ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism mula noong Marso 2015 bilang ahensya na tagapangasiwa para maitaguyod ang sistema na may kaugnayan sa Programang Pagtanggap sa Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon, at para maisagawa ng wasto at maayos ang itinalagang aktibidad sa konstruksiyon, karagdagan sa pagbisita sa mga nangangasiwang organisasyon at sa tumatanggap na kompanyang pang-konstruksiyon, kami ay nagbukas ng “Konsultasyon sa FITS Hotline” upang tumanggap ng mga pagsangguni sa telepono sa sariling wika mula sa mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon.

Sa pagtatatag sa ngayon ng “Specified Skilled Worker” na bisa ng paninirahan, ang FITS ay kinilala ng Minister of Land, Infrastructure, Transport and Tourism na may kakayahan na matiyak ang wastong kapaligiran ng pagtatrabaho ng dayuhang Specified Skilled Worker 1, kaya kami ay nahalal bilang “Ahensya na Nagbabantay sa Wastong Pagpapatrabaho” batay sa Notipikasyon ukol sa Specified Skilled Worker sa larangan ng konstruksiyon.
 

Upang magamit ang aming kaalaman, ang FITS ay magpapatuloy na magbigay ng suporta sa mga bihasang dayuhan sa kanilang trabaho at pamumuhay sa gayon ay makatuon sila sa kanilang trabaho ng walang pagkabalisa.


  • Araw ng pagkatatag
    • January 15、 2015


  • Lugar
    • 〒101-0044 Tokyo-to, Chiyoda-ku, Kajicho 1-9-9 Ishikawa LK Bldg. 6F
    • TEL: 03-6206-8877 FAX: 03-6206-8889

  • Ang aming tungkulin
    • Magbigay nang patnubay at payo hinggil sa wastong pagtataguyod ng pagtanggap
      ng bihasang dayuhang manggagawa.

    • Magbigay ng impormasyon at suporta hinggil sa wastong pagpapadala at
      pagtanggap ng bihasang dayuhang manggagawa.

    • Magbigay ng suporta higgil sa pagkamit ng teknolohiya, kasanayan at kaalaman
      ng bihasang dayuhang manggagawa.

    • Magbigay nang patnubay at payo sa sariling wika hinggil sa pagtatrabaho,
      kaligtasan at kalinisan, kalusugan at iba pa ng bihasang dayuhang manggagawa.

    • Pagpaplano at pagsasagawa ng pagsasanay, seminar at iba pa hinggil sa
      pagtanggap at paglilinang ng bihasang dayuhang manggagawa.

    • Paglalathala at pagbibigay liwanag hinggil sa pagtanggap at paglilinang ng
      bihasang dayuhang manggagawa

    • Pagsasagawa ng pagsasanay at pagsusuri sa kasanayan sa ibang bansa ng
      bihasang dayuhang manggagawa


  • Mga establismong nagtatag
    • Koyo Holdings Co., Ltd., Ohbayashi Corporation, Kajima Corporation, Shimizu
      Corporation, Taisei Corporation, Takenaka Corporation, East Japan Construction
      Surety Co., Ltd., West Japan Construction Surety Co., Ltd., Hokkaido Construction
      Surety Co., Ltd

Lugar

Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi ng Kasanayan at Kaalaman sa Konstruksiyon (FITS)
〒101-0044 Ishikawa LK Building 6F, 1-9-9 Kajicho, Chiyoda-Ku, Tokyo
Telepono:03-6206-8877 FAX:03-6206-8889