Specified Skilled Worker Monitoring Visits
Ang Pagbisita sa Specified Skilled Worker
Ang FITS bilang “Ahensya na Nangangasiwa sa Wastong Pagtatrabaho” ay nagsasagawa ng pagbisita upang maging maayos ang pagtanggap sa dayuhang SSWs sa larangan ng konstruksiyon.
Pagbisita sa Ahensiyang (kompanya) Kinabibilangan ng SSW
Kami ay bumibisita sa kompanyang tumatanggap sa dayuhang SSW1, tsine-check namin kung maayos ba ang pagtanggap na isinasagawa ayon sa Plano ng Pagtanggap sa SSWs sa konstruksiyon, ang mga sumusunod ay aming tsine-check, at magbibigay gabay at payo kung kinakailangan.
- Pag-interbyu sa taong may responsibilidad sa pagtanggap o taong namamahala.
- Pagtsi-check ng mga kaugnay na dokumento tulad ng wage ledger at talaan ng pagpasok sa trabaho at iba pa.
- Pag-iinterbyu sa dayuhang SSWs sa sariling wika.
At bago kami bumisita, kami ay nagsasagawa ng “Kumpirmasyon sa Sitwasyon ng Pagtanggap” para ma-check ang sitwasyon ng pagtanggap sa dayuhang SSWs sa maikling panahon matapos ang pagsisimula sa pagtanggap, sa pamamagitan ng pagpapadala ng survey form sa kompanyang tumatanggap, at paghiling na isumite ang sagot at mga kaugnayang dokumento.
Mangyaring makipag-kooperasyon sa pagbibisita at kumpirmasyon sa sitwasyon ng pagtanggap.
Kaugnay sa pamamahala sa kondisyon ng pagtatrabaho sa dayuhang SSW, ang mga sumusunod ay ang pinaka-mahalagang puntos na ayon sa “Plano ng Pagtanggap sa SSW sa Konstruksiyon” na inaprubahan mula sa Ministro ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon atTurismo.
- na bayaran ang basic wage at allowances
- na bayaran ang sahod gamit ang sistemang matatag na buwanang sahod
- na taasan ang sahod ng naaayon sa paghusay ng skill
Kung ang kompanyang tumatanggap ay dating gumagamit ng arawang sistema ng pasahod, at nagpatibay ng buwanang sistema ng pasahod kasabay ng pagtanggap sa dayuhang SSWs, mangyaring bigyan ng espesyal na konsiderasyon na malinaw na italaga ang oras ng pagtatrabaho, araw na may pasok at araw ng pahinga, ang pagbabayad ng allowance kung nagtrabaho sa araw ng pahinga at pagbibigay ng pahinga o bakasyong may bayad.