Q&A
Tanong at Sagot
Narito ang mga kasagutan sa mga tanong mula sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng sistema ng Specified Skilled Worker.
Tungkol sa Specified Skilled Worker system
Ako ay SSW1 sa ngayon, paano ba makasulong sa SSW2?
Upang makasulong sa SSW2, kinakailangan na mayroon kang karanasan sa pagiging leader, at kinakailangang pumasa sa Skill Certification Grade 1 o Evaluation Exam para sa SSW2. Dahil kinakailangang paghandaan ninyo ito ng kompanya, at kung nais mo na sumulong sa SSW2, hanggat maaga ay komunsulta sa kompanya.
Sa karagdagan, sa susunod na mga araw, sa website ng JAC ibibigay ang mga impormasyon tungkol sa mga nilalaman ng Evaluation Exam para sa SSW2 sa larangan ng konstruksiyon, kaya paki-check na lang doon.
【Website ng JAC】
Upang makasulong sa SSW2, kailangan ko bang magtrabaho ng 5 taon sa SSW1?
Kung natugunan mo na ang mga kondisyon sa pag-aplay para sa SSW2, hindi mo na kailangang hintayin ang 5 taon, maaari ka nang makasulong sa SSW2. Mangyaring komunsulta sa iyong kompanya nang mapaghandaan ng planado ang mga pagkuha ng kuwalipikasyon at iba pa.
Pagkatapos kong magtrabaho ng 2 taon sa SSW1 at gusto kong umuwi sa aking bansa ng 2 taon, makakabalik ba ako?
Maaari kang magtrabaho ng 5 taong kabuuan sa SSW1, kaya lang sa iyong pagbabalik, kinakailangang iproseso ng kompanya ang muling pagtanggap sa iyo, at maaaring kailanganin mong maghabol ng mga teknolohiya sa lugar ng trabaho. Komunsulta ng mabuti sa iyong kopanya.
Dapat ba talagang buwanang-sahod ang sweldo? Sa palagay ko ay mas malaki ang matatanggap kung arawang-sahod.
Para sa mga SSWs sa larangan ng konstruksiyon, kinakailangan na magkaroon kayo ng matatag na sistema ng buwanang-sahod, nang sa gayon ang inyong sweldo ay hindi nagbabagu-bago nang malaki dahil sa lagay ng panahon o sa kadahilanan ng operasyon ng kompanya. Kung maayos kang binabayaran sa sistema ng buwanang-sahod, kung ikukumpara sa arawang-sahod hindi ka maaaring malamangan.
Hindi ko alam kung magagamit ko ang paid leave sa kompanya ko. Ano ba ang dapat kong gawin?
Para mapangalagaan ang kalusugan o mapahinga ang katawan at isip, 10 araw na paid leave ay ibibigay sa mga nakapag-trabaho ng diretsong 6 na buwan, pumasok sa trabaho ng 80% o higit pa, mabibigyan ulit ng 11 araw sa sandaling naka-1 taon at 6 na buwan nang nagtatrabaho. Mabibigyan ka ng paid leaves ng naaayon sa haba ng panahon ng iyong pinagtrabaho.
(Kaya lang, ang paid leave ay mawawalang-bisa, kung hindi magagamit sa loob ng 2 taon)
Kinakailangan din na masigurado ng kompanya na maipagamit ang paid leave ng planado, na hindi bababa sa 5 araw sa loob ng 1 taon. Una sa lahat, alamin mo sa kompanya kung ilan pa ang natitira mong araw na paid leave, mangyaring komunsulta sa kompanya at gamitin mo ito sa mga pagkakataon katulad ng pansamantalang pag-uwi sa iyong bansa.
Tungkol sa Kategorya ng Trabaho
Maaari ba akong gumawa ng bagong trabaho na hindi ko naranasan sa pagsasanay sa internship?
Bagamat ang dibisyon ng mga gawaing trabaho para sa SSWs ay muling inayos sa Civil Engineering, Architecture at Lifeline/Facilities, maaaring gawin ang trabaho kahit na hindi naranasan sa pagsasanay sa internship, hangga’t ang gagawing trabaho ay nakapaloob sa dibisyon ng gawaing trabaho. Kung nag-usap kayo ng kompanya tungkol sa ganitong trabaho, para maiwasan ang maaksidente, komunsulta ng mabuti sa kompanya tungkol sa mga kakailanganing pagsasanay at pag-aaral sa Kaligtasan at Kalusugan, pati na rin ang anumang pagtaas ng sahod kasabay ng paglawak ng mga gawain.
Gusto kong lumipat ng kompanya o trabaho, ano ba ang dapat kong gawin?
Ang SSWs ay maaaring lumipat ng kompanya o trabaho, subalit subukan mo munang ayusin kung bakit mo naisipang lumipat ng kompanya o trabaho. Kung may katanungan ka sa nilalaman ng trabaho, sa pagtrato at iba pa, makipag-usap sa kompanya at baka maaari ka pang makapagpatuloy sa pagtatrabaho kung mareresolba ang iyong problema.
Kung talagang gusto mo nang lumipat ng kompanya, ang JAC ang sumusuporta sa paglipat ng kompanya. At maaari kang makapaghanap ng kompanya sa pampublikong nagrerekomenda ng trabaho katulad ng Hello Work.
Website ng Japan Association for Construction Human Resources (JAC)
https://jac-skill.or.jp/job-matching/
Gayunpaman, hindi laging possible na makahanap kaagad ng bagong kompanya, at kahit na pareho ang trabaho, maaaring malaki ang kaibhan sa nilalaman ng trabaho, kaya mag-ingat.
【Sa mga iba pang Gabay at Serbisyong Pagpapayo sa sariling wika】
Support Center para sa Dayuhang Residente(FRESC):
https://www.moj.go.jp/isa/support/fresc/fresc01.html
Numerong pang-konsultasyon para sa dayuhang manggagawa (Ministro ng Kalusugan, Paggawa at Kapakanan):
https://jsite.mhlw.go.jp/tokyo-roudoukyoku/content/contents/001337395.pdf
Website ng Japan Pension Service:
https://www.nenkin.go.jp/international/index.html
Website ng Migrant Workers Office(MWO):
https://polotokyo.dole.gov.ph/news/mwo-advisory-no-2023-001-new-name-and-official-addreses-of-mwo-tokyo/