Compliance Action Policy
Patakarang Aksyon sa Pagsunod
Pasimula
Ang Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi ng Kasanayan at Kaalaman sa Konstruksiyon (simula dito ay tinutukoy bilang “aming organisasyon”) ay itinatag sa layuning mag-ambag sa pang-industriyang pag-papaunlad at tuloy-tuluyang paglago ng ekonomiya ng Japan at sa mga bansa sa buong mundo at sa maayos na paglilipat ng mga kaliningan, kasanayan at kaalaman at sa pag-unlad ng yamang tao ng bawat bansa. Upang makamit ang layuning ito, kami ay magbibigay ng mga kinakailangang suporta para sa tamang pagpapatupad ng pagtanggap ng bawat bansang gustong magsanay at kumuha ng kaliningan, kasanayan at kaalaman ng konstruksiyon ng Japan at iba pang sektor.
Upang maisakatuparan nang maayos ang layunin ng establisadong ito, ang mga opisyal at empleyado ng aming organisasyon ay dapat kumilala sa kahalagahan ng pagsunod sa operasyon ng gawain at dapat kumilos ayon sa patakarang ito.
Kabatiran sa pagsasakatuparan ng misyon at pampublikong interes
Artikulo 1 Dapat kilalanin ng mga opisyal at empleyado na ang aming operasyon ay nasa interes ng publiko upang mag-ambag sa pang-industriyang pagpapaunlad at tuloy-tuluyang paglago ng ekonomiya ng Japan at mga bansa sa buong mundo at upang mag-ambag sa pag-unlad ng yamang tao sa bawat bansa, at kumilos ng naaayon dito.
Pagpapanatili ng panlipunang tiwala
Artikulo 2 Ang mga opisyal at empleyado ay dapat magsikap na mapanatili at mapabuti ang panlipunang tiwala sa pamamagitan ng pagsunod sa pagiging patas at katapatan sa pamamahala ng operasyon.
Pagsunod sa batas at regulasyon
Artikulo 3 Ang mga opisyal at empleyado ay magsusumikap para sa wastong operasyon ng gawain sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kaugnay na batas, mga artikulo ng samahan, at iba pang panloob na regulasyon at patakaran.
Pagbabawal sa pansariling pakinabang
Artikulo 4 Dapat malaman ng mga opisyal at empleyado na ang mga aktibidad ng aming organisasyon ay nasa interes ng publiko at hindi dapat gamitin ang tungkulin at propesyon para sa pansariling pakinabang.
Pag-iwas at paghahayag ng salungat sa interes
Artikulo 5 Sa pagsasakatuparan ng mga tungkulin, ang mga opisyal at empleyado ay dapat agad na sumunod sa pamamaraan na itinakda ng organisasyon, kabilang ang pagsisiwalat ng mga katotohanan, kung may posibilidad na mga salungat sa interes sa aming organisasyon.
Impormasyon sa pagsisiwalat at pananagot
Artikulo 6 Masigasig na ihahayag ng aming organisasyon ang mga impormasyon tunkol sa pagpapalakad ng gawain upang matiyak ang kaliwanagan at magsusumikap na mapabuti ang pang-unawa at pagtitiwala ng lipunan.
Proteksiyon sa pribadong impormasyon
Artikulo 7 Ang mga opisyal at empleyado ay magsusumikap na protektahan ang personal na impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon ng aming organisasyon pati na rin ang paggalang sa indibidwal na karapatan.
Inilathala noong February 2015
Buong opisyal at empleyado
Saligang Pangkalahatang Inkorporada
Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi ng Kasanayan at Kaalaman sa Konstruksiyon