Manggagawang may Tiyak na Kasanayan
Ang Binagong Batas ng Imigrasyon ay binigyang bisa noong Abril 1, 2019 at ang “Specified Skilled Worker” na bagong bisa ng paninirahan para sa mga dayuhan ay binuo. Ang FITS (Foundation for International Skills and Knowwledge in Construction ay naging “Ahensiya na Nangangasiwa sa Wastong Pagtatrabaho” para masigurado ang wastong kapaligiran sa pagtatrabaho ng mga dayuhang may bisa ng paninirahan na Specified Skilled Worker 1 sa larangan ng konstruksiyon. Bilang karagdagan sa pagbibisita sa mga kompanyang tumatanggap, ang Hotline Konsultasyon sa sariling wika ay inihanda para tumugon sa konsultasyon at sumuporta sa mga dayuhang may bisa ng paninirahan na Specified Skilled Worker.
Mga Trabahong Mapapasukan sa Kasalukuyan sa Larangan ng Konstruksiyon
Ang dibisyon ng mga gawaing trabaho sa larangan ng konstruksiyon ay muling inayos sa "Civil Engineering", "Architecture", and "Lifeline/Facilities". (August 30, 2022)
[Civil Engineering] (Mga trabaho na may kinalaman sa bagong pagtatayo, muling pagtatayo, pagpapanatili at pagkukumpuni ng mga pasilidad ng civil engineering)
・Maaaring makasulong sa SSW1, kung makakapasa ka sa Skill Evaluation Exam para sa SSW1 katulad ng (Civil Engineering) sa larangan ng konstruksiyon, o kung maayos ng nakatapos ng Technical Intern Training 2 sa mga kategorya ng trabaho na nakalista sa ibaba, exempted na sa eksaminasyon.
Saklaw na kategorya ng trabaho: Well Drilling, Concrete Forming, Steel Reinforcement, Scaffolding, Concrete Pumping, Wellpoint Construction, Construction Machine Operation, Steelwork/Ironwork, Painting, Welding
[Architecture] (Mga trabaho na may kinalaman sa bagong pagtatayo, pagdadagdag ng mga istraktura, muling pagtatayo, pagbabago at iba pa ng mga istraktura)
・Maaaring makasulong sa SSW1, kung makakapasa ka sa Skill Evaluation Exam para sa SSW1 katulad ng (Architecture) sa larangan ng konstruksiyon, o kung maayos ng nakatapos ng Technical Intern Training 2 sa mga kategorya ng trabaho na nakalista sa ibaba, exempted na sa eksaminasyon.
Saklaw na kategorya ng trabaho: Panel Beating, Fixture Making, Carpentry, Concrete Forming, Steel Reinforcement, Scaffolding, Masonry, Tiling, Roofing, Plastering, Interior Finishing, Paperhanging, Sash Installation, Waterproofing, Concrete Pumping, Furnace construction, Steelwork/Ironwork, Painting, Welding
[Lifelines/Facilities] (Mga trabaho na may kinalaman sa pagpapanatili, pagpapalit, pagkukumpuni at iba pa ng telekomunikasyon, gas, tubig, kuryente, and iba panglifelines/facilities)
・Maaaring makasulong sa SSW1, kung makakapasa ka sa Skill Evaluation Exam para sa SSW1 katulad ng (Lifelines/Facilities) sa larangan ng konstruksiyon, o kung maayos ng nakatapos ng Technical Intern Training 2 sa mga kategorya ng trabaho na nakalista sa ibaba, exempted na sa eksaminasyon.
Saklaw na kategorya ng trabaho: Panel Beating, Refrigeration and Air Conditioning Equipment Installation, Plumbing, Thermal Insulation, Welding
Hakbang sa Pagtanggap
Maaari po ninyong i-check ang website ng bawat Ministro hinggil sa hakbang sa pagtanggap ng Specified Skilled Worker sa larangan ng konstruksiyon.
Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism website
Ministry of Foreign Affairs website
Ang Pagpapamiyembro sa Japan Association for Construction Human Resources (JAC)
Ang isang kompanya na tumatanggap sa Specified Skilled Worker ay kinakailanagang sumali sa Japan Association for Construction Human Resources (JAC), ang organisasyong may tungkulin sa pagpapalakad ng pagtanggap sa dayuhang Specified Skilled Worker. Maaaring mamili alin sa dalawa, na maging miyembro ng isa sa mga asosasyon ng mga operator ng negosyong pang-konstruksiyon na ganap na miyembro ng JAC o maging taga-suportang miyembro ng JAC. Para sa mga detalye, paki tingnan sa website ng Japan Association for Construction Human Resources (JAC).
https://jac-skill.or.jp/
Impormasyon sa paglikha ng page na “Libreng Rekomendasyon sa Trabaho” na inilaan para sa mga dayuhang manggagawa na may kasanayan.
Ang Japan Association for Construction Human Resources (JAC) ay lumikha ng page na “Libreng Rekomendasyon sa Trabaho” na inilaan para sa mga dayuhang manggagawa na may kasanayan sa larangan ng konstruksiyon”.
Ang page na ito ay nilikha para sa
- naghahanap ng trabaho bilang “Specified Skilled Worker (bisa ng paninirahan)”, na gustong maghanap ng kompanyang pangkonstruksiyon na naghahanap ng foreign skilled workers.
- nagtatrabaho ng may bisa ng paninirahan na “Specified Skilled Worker” ngunit gustong maghanap ng kompanyang malilipatan ng trabaho.
Para sa mga detalye, paki-tingnan ang website ng Japan Association for Construction Human Resources (JAC)
I-Click dito para sa JAC Free Job Recommendation
Kung kinakailangan ninyo ang suporta sa inyong sariling wika, kumontak sa FITS Hotline Consultation sa sariling wika.
Seminar pagkatapos Matanggap ang Specified Skilled Worker sa Konstruksiyon
Ang FITS ay magdaraos ng seminar para sa dayuhan na pumasok sa Japan bilang Specified Skilled Worker, na bagong bisa ng paninirahan at magtatrabaho sa konstruksiyon.
Para sa kompanyang tumatanggap na may Plano ng Pagtanggap sa Specified Skilled Worker na aprubado ng Minister of Land, Infrastructure, Transport and Tourism, pagkatapos na matanggap ang dayuhang Specified Skilled Worker, kayo ay obligado na pakuhain sila ng seminar na ito.