Career support

Libreng Rekomendasyon sa Trabaho

Ang Japan Association for Construction Human Resources (JAC) ay lumikha ng page na “Libreng Rekomendasyon sa Trabaho” na inilaan para sa mga dayuhang manggagawa na may kasanayan sa larangan ng konstruksiyon”.

Ang page na ito ay nilikha para sa

  • naghahanap ng trabaho bilang “Specified Skilled Worker (bisa ng paninirahan)”, na gustong maghanap ng kompanyang pangkonstruksiyon na naghahanap ng foreign skilled workers.
  • nagtatrabaho ng may bisa ng paninirahan na “Specified Skilled Worker”  ngunit gustong maghanap ng kompanyang malilipatan ng trabaho.

Para sa mga detalye, paki-tingnan ang website ng Japan Association for Construction Human Resources (JAC)

I-Click dito para sa JAC Free Job Recommendation 

Kung kinakailangan ninyo ang suporta sa inyong sariling wika, kumontak sa FITS Hotline Consultation sa sariling wika.

Q

Ako ay SSW1 sa ngayon, paano ba makasulong sa SSW2?

A

Upang makasulong sa SSW2, kinakailangan na mayroon kang karanasan sa pagiging leader, at kinakailangang pumasa sa Skill Certification Grade 1 o Evaluation Exam para sa SSW2. Dahil kinakailangang paghandaan ninyo ito ng kompanya, at kung nais mo na sumulong sa SSW2, hanggat maaga ay komunsulta sa kompanya.

 Sa karagdagan, sa susunod na mga araw, sa website ng JAC ibibigay ang mga impormasyon tungkol sa mga nilalaman ng Evaluation Exam para sa SSW2 sa larangan ng konstruksiyon, kaya paki-check na lang doon.

Q

Gusto kong lumipat ng kompanya o trabaho, ano ba ang dapat kong gawin?

A

Ang SSWs ay maaaring lumipat ng kompanya o trabaho, subalit subukan mo munang ayusin kung bakit mo naisipang lumipat ng kompanya o trabaho. Kung may katanungan ka sa nilalaman ng trabaho, sa pagtrato at iba pa, makipag-usap sa kompanya at baka maaari ka pang makapagpatuloy sa pagtatrabaho kung mareresolba ang iyong problema.

 

Kung talagang gusto mo nang lumipat ng kompanya, ang JAC ang sumusuporta sa paglipat ng kompanya. At maaari kang makapaghanap ng kompanya sa pampublikong nagrerekomenda ng trabaho katulad ng Hello Work.

Website ng Japan Association for Construction Human Resources (JAC)

https://jac-skill.or.jp/job-matching/

 

Gayunpaman, hindi laging possible na makahanap kaagad ng bagong kompanya, at kahit na pareho ang trabaho, maaaring malaki ang kaibhan sa nilalaman ng trabaho, kaya mag-ingat.