Seminar for Specified Skilled Workers” in Construction
Seminar para sa Specified Skilled Workers sa Konstruksiyon
Kami ay nagsasagawa ng seminar para sa mga dayuhan na pumasok sa bansa sa panibagong bisa ng pananatili na “SSW”, at pinagsisimula ng magtrabaho sa larangan ng konstruksiyon.
Sa seminar, muling makumpirma ng dayuhang SSWs sa larangan ng konstruksiyon ang sariling Kondisyon ng Pagtatrabaho at iba pa, mapalalim ang pang-unawa tungkol sa sistema ng pagtanggap at proteksiyon, nang sa gayon sila makatuon sa trabaho ng may seguridad at mapag-isipan ang kanilang layunin tungkol sa propesyon sa hinaharap.
*Sa mga kompanyang tumatanggap na naaprubahan ang Plano sa Pagtanggap sa SSW sa Konstruksiyon mula sa Minister ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo, ino-obliga na ipakuha ang seminar na ito matapos matanggap ang dayuhang SSWs.
【Anunsiyo】
Ang JAC, organisasyong may tungkulin sa operasyong pagtanggap sa dayuhang Specified Skilled Worker, ang sasagot ng bayad para sa seminar na gaganapin mula Marso 1, 2023. Paki-tingnan ang website ng JAC tungkol sa mga detalye at sumusulong na hakbang.
Website ng JAC:https://jac-skill.or.jp Numerong Patatanungan(JAC):0120-220-353
Para sa mga kompanyang nag-apply at nagbayad ngunit hindi naka-seminar sa nire-schedule noong Pebrero, ipapaalam mula sa FITS ang pamamaraan na mabalik ang pera.
Paki-check ang PDF ng gabay sa “Seminar para Specified Skilled Worker sa Konstruksiyon 2023” at mangyaring mag-apply.
*Ina-update lagi ang naka-iskedyul na petsa (ia-update sa April 28)
*Isasara sa sandaling mapuno ang kapasidad
*Kung sa listahan ay wala ang gaganaping araw, mangyaring mag-apply sa pamamagitan ng e-mail.
“Seminar para sa Specified Skilled Worker sa Konstruksiyon 2023” Aplikasyon (sa Word bersyon)