Foundation for International Transfer of Skills and Knowledge in Construction

Select Language

Japanese

Chinese

Vietnamese

Indonesian

Filipino

English

Paglikha ng Kinabukasan ng Konstruksiyon kasama ang Dayuhang Yamang-Tao

Bukas na ang mga entry para sa“Award para sa Paglikha ng Kinabukasan ng Konstruksiyon kasama ang Dayuhang Yamang-Tao”

Ang Ministri ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo ay nagsimula ng bagong “Parangal para sa Paglikha ng Kinabukasan ng Konstruksiyon kasama ang Dayuhang Human Resources (Award ng Minister ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo) ngayong taon, para sa mga dayuhang bihasang manggagawa sa konstruksiyon at para sa mga kompanyang nakikibahagi sa pag-unlad ng dayuhang yamang-tao.
Ang nakaraang "Parangal sa Napakahusay na Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon" (Land Economy and Construction Industry Bureau Director's Award) ay isinama sa bagong parangal na ito.

 Paglikha ng Kinabukasan ng Konstruksiyon kasama ang Dayuhang Yamang-Tao” (Parangal ng Minister ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo)

Ang award na ito ay para kilalanin ang mga dayuhang bihasang manggagawa na naglalayong gumanap ng nangungunang papel sa mga lugar ng konstruksiyon, mga kompanyang nakikibahagi sa pagpapaunlad ng kasanayan at pagpapabuti ng kondisyon sa pagtatrabaho ng mga dayuhang yamang-tao, at mga kumpanyang nagsasaliksik ng mga bagong negosyo na nasimulan sa pamamagitan ng paglahok ng mga dayuhang yamang-tao, na may layunin ng pagkamit ng isang simbiyotikong lipunan kasama ang mga dayuhang bihasang manggagawa.

[Kategorya ng Dayuhang Bihasang Manggagawa sa Kostruksiyon]
Award para sa Napakahusay na Dayuhang Bihasang Manggagawa sa Kostruksiyon:

Para sa mga dayuhang bihasang manggagawa na may resident status ng Specified Skilled Worker, na gumagawa ng kapansin-pansing pagsisikap para sa pagkuha ng mga kasanayan sa konstruksiyon at mga kasanayan sa komunikasyon at naglalayong gumanap ng isang nangungunang papel sa mga lugar ng konstruksiyon.


[Kategorya ng Kompanya/Organisasyon]
Award para sa Pag-unlad ng Kasanayan para sa Dayuhang Yamang-Tao:

Para sa mga kompanyang gumagawa ng tuluy-tuloy at epektibong pagsisikap sa pagpapaunlad ng kasanayan at pagpapabuti ng kapaligiran sa pagtatrabaho para sa mga dayuhang yamang-tao sa isang kapansin-pansing paraan.

Award sa Paggalugad ng Negosyo:
Para sa mga kompanyang naggalugad ng mga bagong negosyo na nasimulan sa paglahok ng mga dayuhang yamang-tao.

Parangal sa Napakahusay na Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon 2021

Napili na ang limang tatanggap ng award para sa “2021 Recognition of Excellent Foreign Construction Worker” (Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau Director's Award)

Pangalan

Katayuan ng Paninirahan

Nasyonalidad

Kategorya ng
Trabaho

Tumatanggap na Kompanya sa Konstruksiyon
(Lokasyon ng Pangunahing Opisina)

Mr. WENG FEI

Specified Skilled Worker

China

Concrete

Concrete pump Co., Ltd.
(Gifu)

Mr. SORN SINAT

Specified Skilled Worker

Cambodia

Machine Operation

OKA KOUSAN (Mie)

Mr. SOE KHANT MAW

Specified Skilled Worker

Myanmar

Surface Finishing

KANEFUJI Co., Ltd.
(Tokyo)

Mr. ZHANG LEI

Specified Skilled Worker

China

Plastering

HIKOSAKA Co., Ltd.
(Aichi)

Mr. PHAM DUY HUNG

Specified Skilled Worker

Vietnam

Steel Reinforcement

HORIE TEKKIN KOGYO
(Ibaraki)

(Sa pagsunod-sunod ng pangalan ng tatanggap ng parangal sa alibata ng Hapon)
 

Sinimulan na ang aplikasyon sa paglahok para sa Recognition of Excellent Foreign Construction Worker 2021

Karagdagan sa "Foreign Construction Worker Acceptance Program" na itinatag taong 2015, ang pagtanggap sa mga dayuhang manggagawa sa bagong bisa ng paninirahan na tinatawag na “Specified Skilled Worker” ay sinimulan noong Abril 2019.  Sa pagtatapos ng Setyembre 2021, 2,714 na mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon at 3,745 na dayuhang Specified Skilled Worker ang nagtatrabaho at pinagbubuti ang kanilang skill kasama ang mga ekspertong Hapon sa ibat-ibang lugar ng konstruksiyon sa buong Japan.

Ang “Recognition of Excellent Foreign Construction Worker (Real Estate and Construction Economy Bureau Director-General’s Award) ay gaganapin muli ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism para suportahan ang mga dayuhang manggagawa sa kanilang araw na araw na pag-aaral at pagsusumikap para sa mas lalong pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pagbibigay karangalan sa kapansin-pansing dayuhang manggagawa, sa pagsaalang-alang sa pagsisikap at performance ng kompanya ng pagsasagawa hinggil sa pagpapasanay sa dayuhang manggagawa katulad ng pagkuha ng mga skill sa konstruksiyon at kakayahan sa salitang Hapon, sa ilalim ng Foreign Construction Acceptance Program at nang bagong estado ng paninirahan na “Specified Skilled Worker”.

I-click dito para sa impormasyon ng paglahok

Sinimulan na ang aplikasyon sa paglahok para sa Recognition of Excellent Foreign Construction Worker 2020

Karagdagan sa "Foreign Construction Worker Acceptance Program" na itinatag taong 2015, ang pagtanggap sa mga dayuhang manggagawa sa bagong bisa ng paninirahan na tinatawag na “Specified Skilled Worker” ay sinimulan noong Abril ng nakaraang taon.   Sa pagtatapos ng Setyembre 2020, 4,534 na mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon at 642 na dayuhang Specified Skilled Worker ang nagtatrabaho at pinagbubuti ang kanilang skill kasama ang mga ekspertong Hapon sa ibat-ibang lugar ng konstruksiyon sa buong Japan.

Ang “Recognition of Excellent Foreign Construction Worker (Real Estate and Construction Economy Bureau Director-General’s Award) ay gaganapin muli ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism para suportahan ang mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon na may record sa pagtatrabaho sa ilalim ng Foreign Construction Acceptance Program at ang Specified Skilled Worker na panibagong bisa ng paninirahan sa pamamagitan ng pagpaparangal sa mahuhusay na manggagawa sa kanilang pagsisikap na mapabuti ang kanilang skill sa konstruksiyon at komunikasyon.

Kami po ay nanawagan ng aplikasyon mula sa mga maaaring mapili para sa award sa taong ito kaya hihintayin namin ang inyong mga entry.

Huling araw ng pag-sumite:  Enero 1, 2021 Biyernes alas 5 ng hapon

I-click dito para sa Impormasyon ng Paglahok

 

Parangal sa Napakahusay na Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon 2019

Napili na ang limang tatanggap ng award para sa “2019 Recognition of Excellent Foreign Construction Worker” (Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau Director's Award).

         Listahan ng mga tumanggap ng Award

Name

Status of Residence

Nationality

Job Category

Accepting Construction Company

Main Office Location

Designated Supervising Organization

Mr. VU VAN TRONG

Designated Activity

Vietnam

Interior Finishing

Ueno no Mori Tax Accounting Company

(Saitama Prefecture)

Kanto Staff Cooperative

Mr. SHI DINGYI

Designated Activity

Chinese

Carpentry

MHC Lumber

(Aichi Prefecture)

ECOPRODUCT BUSINESS COOPERATIVE SOCIETY

Mr. LUU VAN CHIEN

Specified Skilled Worker

Vietnam

Interior Finishing

KI-STAR REAL ESTATE Co., Ltd

(Saitama Prefecture)

Mr. ZHAI ZHIGUO

Specified Skilled Worker

Chinese

Interior Finishing

Tokyo Shimura Co.,Ltd.

(Chiba Prefecture)

Mr. DANG HOAI SON

Designated Activity

Vietnam

Steel Reinforcement

TOBITA Tekkin Kogyo

(Saitama Prefecture)

Japan Reinforcement Contractor’s Association


(Sa pagsunod-sunod ng pangalan ng kompanya sa alibata ng Hapon)

I-click dito para sa Press Release ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism

 

 

Ang aplikasyon sa paglahok para sa Parangal sa Napakahusay na Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon 2019 ay sinimulan na.

Magmula ng sinimulan ang "Foreign Construction Worker Acceptance Project" sa taong 2015, sa pagtatapos ng Agosto 2019, humigit-kumulang sa 5,300 na mga dayuhang manggagawa sa konstruksyon ang nagtatrabaho sa pagpapabuti ng kanilang mga kasanayan at iba pa, habang nagtatrabaho sa isang proyekto sa konstruksyon kasama ang mga ekspertong Hapon. Bilang karagdagan, ang pagtanggap ng dayuhang manggagawa sa pamamagitan ng isang bagong bisa ng paninirahan na tinatawag na “Specified Skilled Worker” ay nagsimula na mula Abril ng taong ito.

Dahil dito, ang "Recognition of Excellent Foreign Construction Worker" (Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau Director's Award) na itinatag dalawang taon na nakalipas ay muling gaganapin ngayong taon ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism upang suportahan ang mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon at ang panibagong bisa ng paninirahan na (Specified Skilled Worker), sa pagpapahusay sa kanilang trabaho para sa karagdagang pagpapabuti ng kasanayan sa pamamagitan ng pagkilala ng mga kapansin-pansing pagsisikap para sa pagkuha ng mga kasanayan sa konstruksiyon at komunikasyon.

 I-click dito   para sa Alituntunin ng Paglahok 
 I-click dito   para sa Form ng Aplikasyon

 

Eksena mula sa Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Manggagawa sa Konstruksiyon 2018

Ang seremonya na parangal para sa “Pinakamahusay na Dayuhang Manggagawa sa Kostruksiyon 2018” (Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau Director's Award) ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ay ginanap noong Marso 4, 2019, araw ng Lunes sa Kasumigaseki Knowledge Square.

Sa seremonya, ibinigay ni Mr. Eijiro Suzuki, Direktor ng Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ang Sertipiko ng Parangal sa anim na nagwagi.

 

20190304jusho.jpg

 

【Listahan ng mga tumanggap ng Award】

Name Nationality Job Category Accepting Construction Company
(Main Office Location)
Mr. Amiten Martin Abol Philippines Machine Operation IWATE MITAC Co.,Ltd
(Iwate Prefecture)
Mr. Wang Fenghe Chinese Welding Able Construction Co.,Ltd
(Kyoto Prefecture)
Mr. Nguyen Van Linh Vietnam Interior Finishing KI-REAL ESTATE CO.,LTD
(Saitama Prefecture)
Mr. Weng Fei Chinese Concrete Pumping Concrete pump Co., Ltd.
(Gifu Prefecture)
Mr. Wu Xiaojing Chinese Plastering HIKOSAKA Co.,Ltd
(Aichi Prefecture)
Mr. Giap Duc Thach Vietnam Plumbing MOCHIZUKI Industries Co.,Ltd
(Shizuoka Prefecture)


(Sa pagsunod-sunod ng pangalan ng kompanya sa alibata ng Hapon) 

 

{Talumpating inihayag ng mga tumanggap ng parangal}

 

Mr. Amiten Martin Abol

Bilang isang mangagawa sa konstruksiyon, ginagawa ko ang aking makakaya araw-araw, at aupang matiyak ang kaligtasan ng lahat, nagsusumikap akong maunawaan ang wika, pamumuhay at kultura ng Hapon. Para sa akin, ang tunay na pamamaraan at kasayanan ay ang pag-akma sa bagong kapaligiran ng Japan at upang makatulong na gawin itong mas mahusay na lugar. Patuloy akong mag-aaral ng wikang Hapon nang sa gayon ay mabawasan kahit kaunti ang agwat ng komunikasyon. Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa pamamaraan at kasanayan na aking natutunan bilang miyembro ng kompanya.

 

Mr. Wang Fenghe

Labis akong nagpapasalamat dahil sa paghihiyakat at patnubay ng maraming tao, ako ay nagawaran. Bilang manggagawa sa konstruksiyon, ay lubusin ang aking pagbabalik sa Japan at pagbutihin ang teknik ng pinakamahirap na level ng welding na nangangailangan ng mataas na kalidad. Ang aking natutunan sa Japan ay hindi lamang ang kasanayan sa welding, kundi pati na rin ang pagiging magalang, disiplina at kabaitan. Isasaalang-alang ko ang award na ito bilang isang bagong simula at magsusumikap araw-araw na may mataas na hangarin sa lahat ng aspeto.

 

Mr. Nguyen Van Linh

Ang nilalaman ng trabaho ay napakahirap at kahit mahirap ang hadlang sa wika, mababait ang mga Hapon sa kompanya, tinuturuan ako sa trabaho at pagsasalita ng paunti-unti, kaya naman ako ay naging marunong ng paunti-unti. Ang mga tauhan sa kompanya ay laging nasa likod namin at nagbibigay ng suporta sa aming mga dayuhang manggagawa araw-araw, kaya naman  habang ako ay nagsisikap sa trabaho araw-araw, nais kong mag-aral pa ng husto ng wikang Hapon.

 

Mr. Weng Fei

Masaya ang aking anim na taong pagtatrabaho ng Concrete Pumping sa Japan. Kahit na may mga oras na ako ay nahihirapan sa wikang Hapon at naguguluhan sa pagkakaiba sa pamamaraan ng konstruksiyon sa lugar ng trabaho, naipasa ko ang Level 2 ng skill test noong 2018, ngayon bilang lider ng grupo, napapangasiwaan ko na ang lugar ng trabaho at nakakapagturo na rin ako sa mga bagong kasamahan. Nais ko pang magpatuloy ng pagtatrabaho sa Japan.

 

Mr. Wu Xiaojing

Nagpapasalamat ako sa aking boss at sa lahat ng tauhan sa kompanya. Itinuring nila ako na isa sa pamilya sa anim na taon kaya masaya ang paggugol ko sa araw-araw. Kaya naman, nagustuhan ko ang Japan, ang Japan ay naging aking pangalawang bansa. Lagi kong isasaisip na huwag kalimutan ang aking baguhang diwa at patuloy na magsisikap sa aking makakaya.. Sa susunod, nais kong isama ang aking pamilya para mamasyal dito sa Japan.

 

Mr. Giap Duc Thach

Ako ay nagpunta at nag-aral sa eskuwelahan ng pagmamaneho ng sasakyan ng dalawang lingo para kumuha ng lisensya at ako ay nakapasa. Tuwang-tuwa ako. Ang test ay mahirap dahil ito ay nakasulat lahat sa Hapon. Ngayon na ako ay nakapagmamaneho, bilang miyembro ng kompanya, ako ay nakakapagserbisyo ng lubos at higit sa lahat ako ay lugod nasisiyahan dahil ako ay inaasahan ng lahat sa kompanya. Sa nakaraang anim na taon, may mga bagay na napakahirap, nakakabalisa, nakakasaya, at marami pang iba, ngunit ako ay lugod na nasisiyahan na ako ay napunta ng Japan.

 

Librito ng Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Dayuhang Manggagawa


Eksena mula sa Seremonya ng Parangal sa Napakahusay na Manggagawa sa Konstruksiyon 2017

 

Ang seremonya na parangal para sa “2017 Recognition of Excellent Foreign Construction Worker” (Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau Director's Award) ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ay ginanap noong Marso 19, 2018, araw ng Lunes sa Kasumigaseki Knowledge Square.

Sa seremonya, ibinigay ni Mr. Eijiro Suzuki, Direktor ng Land Economy and Construction and Engineering Industry Bureau ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ang Sertipiko ng Parangal sa limang nagwagi.

 

20180319jusho.jpg

 

【Listahan ng mga tumanggap ng Award】

Name Nationality Job Category Accepting Construction Company
(Designated Supervising Organization)
Mr. Yang Lian Chong Chinese Scaffolding KAMEDA GUMI CO.,LTD.
(Kyoryo Gino Shinko Cooperative)
Mr. Aujero John Rey Soliguen Philippines Concerete Forming ADVANCED TECHNOLOGY KOWA
(Kanto Tech Cooperative)
Mr. Wang Jia Xing Chinese Panel Beating SHIMIZU BANKIN
(Tomishin International Business Cooperative)
Mr. Nguyen Tan Quynh Vietnam Concrete Forming MUKAI CORPORATION
(Fund for Construction Industry Promotion)
Mr. Hoang Dinh Hoang Vietnam Concrete Pump YAMACON CO.,LTD.
(World Peace Cooper


(Walang partikular na pagkakasunod-sunod/Sa pinaikling panggalang)  

 

{Talumpating inihayag ng mga tumanggap ng parangal}

 

Mr. Yang Lian Chong

Ako ay napahanga sa teknolohiya ng konstruksiyon at masulong na teknolohiya ng Japan na bagong pakiramdam na nakapukaw sa akin. Sa Japan, natutunan ko ang diwa ng teamwork, nais ko na magamit ang aking kaalaman sa masulong na teknolohiya, kaisipan sa trabaho, kaligtasan ng kalidad at iba pa na natutunan ko sa kompanya, at nais kong gamitin ang aking makakaya hindi lamang sa Japan at China, pati na rin sa ibang parte ng mundo.

 

Mr. Aujero John Rey Soliguen

Ako ay natutuwa na nakatayo dito ngayon para parangalan sa pagsisikap na aking nagawa. Sa Japan, ako ay nakapagbigay-siya sa tao hindi lamang sa trabaho kundi pati na rin sa pamamagitan ng aking hand bell na aktibidad. Ang aking layuin noong nakaraang apat na taon ay kumita ng pera, ngunit ngayon, ang layunin ko ay ipabatid sa lahat ang aking nagawa at maging isang tao na makatutulong sa iba.

 

Mr. Wang Jia Xing

Maraming salamat sa pagbibigay ng napakagandang parangal sa akin sa araw na ito. Napunta ako dito sa Japan at nakapagtrabaho ng limang taon kasama ang aking boss na si Mr. Shimizu. Marami akong pinaghirapan ngunit napakabuti na ako ay nakapagtrabaho.

 

Mr. Nguyen Tan Quynh

Para sa aming mga dayuhang na nakarating sa Japan sa unang pagkakataon, ang pagpasok sa lugar ng trabaho at magtrabaho sa ibang lenguwahe ay isang malaking hamon. Gayunpaman, hindi ako sumuko na mag-aral ng salitang Hapon. Ganoon pa rin ang gagawin ko na ipagpatuloy ng husto ang pagsisikap, balang-araw, pagsama-samahin namin ang aming kakayahan upang matulungan ang pagpapa-unlad ng ekonomiya ng Vietnam.

 

Mr. Hoang Đinh Hoang

Ako ay may tatlong pinagpapahalagahan sa buhay at trabaho. Una, ang maging ka-level ng Foreman. Hindi lamang sa kasanayan kundi pati na rin sa salitang Hapon. Pangalawa, maging isang mabuting lider ng mga intern trainees na kasamahan ko sa trabaho. Pangatlo, ang pag-aralan ang kultura ng Hapon at maituro din ang kultura ng Vietnam. Kapag ako ay umuwi ng Vietnam, ang pinakanais kong ituro sa mga tao sa Vietnam ay ang pagtatrabaho ng Hapon at ang kanilang kaisipan.

 

Librito ng Seremonya ng Parangal sa Napakahusay ng Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon 2017