Pagbibigay ng Sertipikasyon ng Pagtatapos
Ang FITS (Foundation for International Transfer of Skills and Knowledge in Construction) ay mag-iisyu ng “Katibayan ng Pagtatapos ng Trabahong sa Konstruksiyon” (nakasulat sa Hapon at Ingles) sa lahat ng Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon na bumahagi sa loob ng isang panahon sa itinalagang aktibidad sa konstruksiyon sa ilalim ng “Programang Pagtanggap sa Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon”, na inatas sa amin ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism.
Ang katibayang ito ay iniisyu ng FITS na walang bayad para sa layuning maitala ang pag-ambag sa maayos na pagganap sa trabahong pang-konstruksiyon sa Japan, dagdag dito ay para magamit ito ng mga Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon bilang pantulong sa pagsulong ng landas ng propesyon sa larangan ng konstruksiyon.
1. Taong maaaring mag-aplay
-Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon na gumanap sa Itinalagang Aktibidad sa Konstruksiyon sa panahong higit sa (1 taon at 7 buwan (hindi kukulang sa 19 buwan)).
*Kahit na ang manggagawa ay (continuation type) o (re-entry type), kung siya man ay nakapasa o hindi nakapasa sa Skill Test)
2. Hakbang bago mag-isyu
- Dapat punan ng designated supervising organization ang mga kinakailangan impormasyon sa application form at ipadala sa Taga-isyu ng Katibayan ng Pagtatapos ng FITS sa pamamagitan ng e-mail sa certificate@fits.or.jp
- Tatanggapin dalawang buwan bago matapos ang Itinalagang Aktibidad sa Konstruksiyon ng Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon
→I-download dito sa Application form ng pag-isyu ng Katibayan o Certificate
- Dalawang linggo ang kakailanganin sa pag-iisyu
- Sa pankalahatang tuntunin, hindi na maaaring ipa-isyu muli.
- Sa application form, maraming napapansing pagkakamali sa pagsulat ng letrang Ingles ng pangalan ng kompanya, kaya i-check ng mabuti.
3. Ukol sa personal na impormasyon na isinulat sa application form, gagamitin lamang ito sa layunin ng paggamit na nasa ibaba, pangangasiwaan ito ng maayos na susundin ang Patakaran sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon ng aming organisasyon.
Layunin ng Paggamit
1) Pag-iisyu ng Katibayan ng Pagtatapos ng Trabaho sa Konstruksiyon para sa Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon.
2) Pag-uulat sa Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism.