Programa sa Pagtanggap sa Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon
Ang FITS (Saligan sa Internasyonal na Pagbabahagi ng Kasanayan at Kaalaman sa Kostruksiyon) ay inatasan ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism simula Marso 2015, bilang ahensya na mangangasiwa sa pagtataguyod ng sistema hinggil sa Programa sa Pagtanggap sa Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon, na kumikilos upang maisagawa ng maayos at tama ang mga itinalagang aktibidad sa konstruksiyon.
Ang aming pangunahing tungkulin ay ang pagbibisita at pagbibigay ng gabay sa mga tinalagang taga-pangasiwang organisasyon at kompanyang tumatanggap sa manggagawa sa konstruksiyon at maliban dito, kami ay nagbukas ng Konsultasyon sa FITS Hotline upang tumanggap ng mga konsultasyon sa telepono mula sa dayuhang manggagawa sa konstruksiyon sa kanilang sariling wika.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga gawaing ito, nais naming makipagtulungan sa mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon, sa mga kompanyang tumatanggap sa kanila at sa mga tinalagang taga-pangasiwang organisasyon para sa maayos at tamang pagpapatupad ng mga itinalagang aktibidad sa konstruksiyon.
Hotline sa Katutubong Wika
Ang Hotline Konsultasyon sa Katutubong Wika ay tumatanggap ng mga konsultasyon sa telepono sa katutubong wika ng mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon.
Pagbibisita
Bilang ahensya sa pagtataguyod ng sistema hinggil sa Programa sa Pagtanggap sa Dayuhang Manggagawa sa Konstruksiyon, kami ay bumibisita at nagbibigay gabay sa mga kompanyang tumatanggap sa manggagawa sa konstruksiyon.
Suporta sa Pagpapabuti ng Kasanayan
Upang mapagbuti ang mga kasanayan ng mga dayuhang manggagawa sa konstruksiyon na nagtatrabaho sa ilalim ng "Itinalagang Aktibidad sa Konstruksiyon", kami ay tumutulong sa pagkuha ng eksaminasyon, edukasyon at pagsasanay, at pag-iisyu ng "Sertipikasyon sa Pagtatapos ngTrabaho sa Konstruksiyon" sa pamamagitan ng tagapangasiwang organisasyon.
Pagsubok sa Kasanayan Baitang 3 Sertipikasyon sa Pagtatapos ng Trabaho Seminar ng Pagsasanay